Sen. Bong Go, nilinaw na wala nang koneksyon sa mga tauhan ng OSAP

Sen. Bong Go, nilinaw na wala nang koneksyon sa mga tauhan ng OSAP

NILINAW ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na tatlong taon na siyang hindi konektado sa mga tauhan ng  Office of the Special Assistant to the President (OSAP).

Ito ang tugon ni Go, matapos lumutang se media na isang abogado mula sa OSAP ang tumalaw sa Dargabi siblings na nasa kustodiya ngayon ng Senado.

Sinabi ni Go, na nabalitaan niyang nag-resign na ang tinutukoy sa mga report na si Atty. Daryl Valles sa OSAP habang nakailang lipat na ito ng pinagtrabahuhan.

Nilinaw naman ni Go, na tulad ng palagi nilang sinasabi ni Pangulong Duterte na kung may kasalanan ang isang tao, dapat itong kasuhan at panagutin sa batas kahit ano pa ang affiliation nito.

Samantala, nilinaw din ni Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na matagal nang hindi empleyado sa Office of the Special Assistant to the President ang abogadong  si Atty. Valles.

Sinabi ni Nograles na base sa kanilang review sa record ng Human Resources Management Office, dating nakatalaga sa Office of the President si Valles pero resigned na ito mula noong March 1, 2021.

SMNI NEWS