MULING binigyang-diin ni Senator Cynthia Villar ang kahalagahan ng mechanization para pagtibayin ang farming sector.
Ito ay sa kalagitnaan ng patuloy na pagtaas sa presyo ng bigas.
Kamakailan lang ay guest speaker si Sen. Villar sa 2023 Sustainable Agriculture Forum.
Sa kaniyang speech, malungkot na ibinahagi ni Villar na hindi na kompetetibo ang Pilipinas pagdating sa rice production dahil naungusan na ito ng ibang bansa.
“Mechanization, that is one thing that we should do… so we really have to mechanize in the Philippines,” pahayag ni Sen. Cynthia Villar.
Sa Pilipinas, karamihan sa mga magsasaka ay nagmamay-ari lamang ng humigit-kumulang dalawang ektarya ng lupa.
Kung saan ang mga karaniwang magsasaka ay walang kakayahang bumili ng mga modernong makina.
Pero payo ni Villar, mas makabubuti sa mga magsasaka na bumuo ng kooperatiba upang mas madali silang matulungan ng gobyerno at mabilis na lumago ang kanilang operasyon.
“We should also be encouraged to develop innovative … We can do mechanization in the Philipines,” dagdag ni Sen. Villar.
Sa ilalim ng isang farmers cooperative ay nagtutulungan ang mga magsasaka sa pagpaparami ng kanilang ani at pagbebenta nito.
Dahil sa shared din ang kanilang mga resources at equipment ay inaasahan na mas mababa ang presyo ng kanilang ibinebentang bigas.