IPINANAWAGAN ni Senador Bong Go na dapat protektahan ang demokrasya ng bansa bilang bahagi ng pag-alala ng EDSA Revolution.
Sa Ika-39 na Anibersaryo ng EDSA Revolution o People Power ay umaasa ang senador na patuloy na isasadiwa ng bawat isa ang sakripisyo noon ng napakaraming Pilipino para ibalik ang demokrasya sa bansa.
Naniniwala si Senador Bong Go na kung nagkakaisa ang mga Pilipino, mas mabilis ang pagbabago at pag-unlad, at mas maayos na makararating ang serbisyo at tulong lalo na sa mga mahihirap na Pilipino.
Inihayag ito ng senador araw ng Martes, kasunod ng kanyang pagdalo sa pagtitipon ng mga lokal na lider ng Camarines Sur Sa Pasay City kung saan naging panauhing pandangal si Senador Bong Go sa naturang pagtitipon.
‘’Tandaan po natin we must protect democracy at all times. Ang tunay na diwa ng Edsa ay hindi selebrasyon tuwing pebrero, isa po itong paalaa na kunhg magbuklod-buklod ang mga pilipino mas mabilis natin maabot ang pagbabago at pag-unlad,’’ ayon kay Sen. Christoper “Bong” Go.