Sen. Imee ikinababahala na isasabak sa giyera ang Pilipinas dahil sa EO 57 ng BBM Admin

Sen. Imee ikinababahala na isasabak sa giyera ang Pilipinas dahil sa EO 57 ng BBM Admin

NAGHAYAG ng lubhang pagkabahala si Sen. Imee Marcos sa paglabas ng Executive Order (EO) No. 57 ng Malakanyang.

Ani Sen. Imee, maaring maging dahilan ng retalasyon mula sa ibang bansa ang section 7 ng nasabing EO dahil sa pinahihintulutan nito ang National Maritime Center na tumanggap ng anumang donasyon, kontribusyon, grants, at regalo mula sa ibang bansa.

Ang nasabing hakbang aniya ay isang ‘trojan horse’ na maihahalintulad sa nangyayaring giyera sa Ukraine at Gaza na tumatanggap ng tulong mula sa Estados Unidos.

Ipinunto ng senadora na ang kailangan ng Pilipinas ay solusyon para mapanatili ang kapayapaan mula sa mga sinasabing kaalyadong bansa.

Nais ni Sen. Imee ng maayos na pakikipag-usap sa China at iba pang mga bansang claimant din ng mga isla sa West Philippine Sea para maiwas ang ating bansa sa kapahamakan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble