Sen. Imee Marcos, kinuwestiyon ang daan-daang diplomatic protests na inihain ng DFA vs China

Sen. Imee Marcos, kinuwestiyon ang daan-daang diplomatic protests na inihain ng DFA vs China

KINUWESTIYON ni Senador Imee Marcos ang layunin ng daan-daang diplomatic protests na inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China hinggil sa West Philippine Sea (WPS) issue.

Ayon kay Sen. Imee, nakakahiya para sa Pilipinas na hindi pinapansin ng kabilang panig ang mga protesta na inihain nila.

Nakakawala pa aniya ito ng dignidad at respeto para sa bansa.

Hinikayat ngayon ng senadora ang DFA na humanap ng ibang paraan maliban sa paghahain ng diplomatic protests ngunit maipapakita pa rin ang karapatan ng Pilipinas sa WPS.

Sagot ni DFA Sec. Enrique Manalo, kinokonsidera na nila ang pagpapadala ng omnibus diplomatic protest kung saan mas malaman ito kumpara sa simpleng diplomatic protest.

Sa isang hearing, inihayag ng DFA na umabot sa 388 diplomatic protests ang inihain ng ahensya sa ilalim ng Duterte administration.

48 naman sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

Follow SMNI News on Twitter