DISMAYADO si Senador Imee Marcos sa kinalabasan ng Senate hearing ngayong araw para sa panukalang 2023 budget ng Commission on Elections (COMELEC).
Bigo kasing maglabas ng mga hinihinging detalye ang komisyon na una nang inabiso sa kanila ng senadora.
“So, okay that being the case, I just want to put it on record I was alarmed over the failure of Comelec to produce the required information. That being the case, we move to suspend this Comelec subcommittee hearing until further notice,” pahayag ni Sen. Imee Marcos.
Wala pang 10 minuto ay agad nang sinuspinde ng Senate Finance Subcommittee ang pagdinig sa panukalang 2023 budget ng COMELEC.
Ito ay matapos bigo ang poll body na magsumite ng mga hinihinging dokumento na ikinaalarma ni Senador Imee Marcos na nanguna sa pagdinig.
Ipinagtataka ni Senador Imee kung bakit hindi nakapagsumite ng dokumento ang COMELEC dahil kanya na itong naabisuhan noong nakaraang linggo.
5 isyu ang nais nyang linawin sa COMELEC.
“The Barangay and SK Elections that needs to …” Ani Sen. Imee.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nakahanda silang sagutin ang katanungan ng mag senador ngunit aminado naman itong may mga opisyal ng COMELEC ang hindi nakapaghanda sa mga hinihinging impormasyon ng mga mambabatas.
“Yes, madam chair… as being requested by the chairperson your honor,” pahayag ni Chairman George Garcia.
Sinabi naman ni COMELEC Finance Officer Catherine Isip na tatalakayin pa lang ng kanilang opisina ang mga dokumentong hinihingi ng Senado.
“May I know from the Finance Dept of Comelec” dagdag ng Senador.
” Madam, chair we will submit this afternoon… we have yet to discuss it further,” pahayag ni Catherine Isip.
Nilinaw naman ni Senate Minority leader Aquilino Koko Pimentel III na hindi siya tutol sa ginawang pagsuspinde ni Sen. Imee sa budget hearing.
Pinaalahanan pa nito ang COMELEC na hindi lamang puro numero at halaga ng budget ang kailangan sagutin ng komisyon kundi maging mga isyu na may kinalaman sa kanilang operasyon.
“Anyway, expect all agencies when they attend budget hearings to be prepared. … operations and mandate,” pahayag ni Sen. Koko Pimentel III.