Sen. Imee Marcos pinagtanggol ang ginawang pagtulong ni FPRRD sa Tacloban matapos itong sinalanta ng Super Typhoon Yolanda

Sen. Imee Marcos pinagtanggol ang ginawang pagtulong ni FPRRD sa Tacloban matapos itong sinalanta ng Super Typhoon Yolanda

PINAGTANGGOL ni Sen. Imee Marcos ang ginawang pagtulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Tacloban matapos itong sinalanta ng Super Typhoon Yolanda.

Ayon sa nakatatandang kapatid ng Pangulong Bongbong Marcos, si Duterte na mayor noong 2013 ang unang dumating ang nag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Ipinagpatuloy naman ni Duterte ang pag-aabot ng tulong nang siya ay naging pangulo ayon sa senadora.

Lumabas ang pahayag ng Senadora matapos nabanggit ng kanyang kapatid sa isang interview na walang ginawa ang nakaraang administration para sa Tacloban.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter