LAYON ni Sen. Joel Villanueva na suriin ang estado ng seguridad ng pagkain sa Pilipinas.
Sa Senate Resolution No. 385 niya, sinabi ng senador na napapanahon na para magkaroon ang bansa ng isang holistic approach para sa lahat ng programa at polisiya na may kinalaman sa food security.
Kabilang na rito ang sa sektor ng agrikultura, pangisdaan at nutrisyon.
Ayon sa senador, makikita naman ngayon na may kakulangan pa ang bansa hinggil dito dahil mataas ang presyo ng mga bilihin.
Simula rin nang maipasa ang Republic Act No. 8434 o Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997, hindi pa nakakamit hanggang ngayon ang layuning magkaroon ng food security sa bansa.