Sen. JV Ejercito nanawagan ng trial period para sa NCAP

Sen. JV Ejercito nanawagan ng trial period para sa NCAP

IPINANAWAGAN ni Sen. JV Ejercito na magsagawa muna ng trial period para sa No Contact Apprehension Program (NCAP) upang matugunan ang anumang aberya sa sistema.

Ayon sa senador, hindi siya tutol sa modernisasyon ng traffic enforcement ngunit dapat tiyakin na ito ay patas, malinaw ang guidelines, at hindi pabigla-bigla ang pagpapatupad.

Aniya, maraming motorista ang nagugulat sa multa at walang kaalaman sa mga naging paglabag kaya’t malahagang magkaroon muna ng test run sa polisiya.

Iminungkahi rin ng senador na magkaroon ng mas malawak na information campaign at konsultasyon sa local government units at publiko hinggil dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble