Sen. JV, suportado ang pagpapatayo ng Kalinga Hospital

Sen. JV, suportado ang pagpapatayo ng Kalinga Hospital

NANGAKO si Senator Joseph Victor ‘JV’ Ejercito na kukuha ng pondo para sa pagsasaayos ng ospital sa Kalinga.

Suportado rin ng senador ang ma-re-nationalize ang Kalinga Provincial Hospital (KPH) at gawing Level 3 Regional Hospital na tatawaging Northern Cordillera Regional Medical Center (NCRMC).

Ayon kay Ejercito, kailangan ma-upgrade ang kapasidad ng KPH para sa mas mahusay na serbisyo sa komunidad sa pamamagitan ng karagdagang mga kama at pasilidad ng ospital.

Samantala, binisita ni Ejercito kamakailan ang tatlong palapag na itinatayong ospital sa Tabuk gayundin ang mga pasyente ng Kalinga Provincial Hospital.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter