Sen. Revilla namahagi ng tulong-pinansiyal sa Caraga Region

Sen. Revilla namahagi ng tulong-pinansiyal sa Caraga Region

PINANGUNAHAN ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal sa Caraga Region nitong Miyerkules, Abril 3.

Nagtungo ang batikang mambabatas sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon katulad ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Agusan del Sur.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapaghatid ang lingkod-bayan ng tulong sa mahigit 6,600 na benepisyaryo.

Mainit na sinalubong si Revilla ng bawat punong lalawigan sa mga nasabing probinsiya at sinamahan sa naging cash assistance distribution sa kaniyang mga kababayan.

“Binibigay lang po natin sa ating mga kababayan ang mga dapat naman talaga nilang natatanggap mula sa gobyerno. Nawa ay makatulong ito sa kanilang mga pang-arawang pangangailangan hanggang sa pag-unlad ng kanilang mga buhay,” ani ni Revilla.

“Hindi po tayo magsasawang puntahan mismo ang ating mga kababayan para mag-abot ng tulong. Tungkulin po natin ito at kahit kailan ay hindi natin tatalikuran,” dagdag ng mambabatas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble