Sen. Tolentino, hinimok ang MTRCB na ipagbawal ang pelikulang ‘Barbie’ sa Pilipinas

Sen. Tolentino, hinimok ang MTRCB na ipagbawal ang pelikulang ‘Barbie’ sa Pilipinas

HINIMOK ni Senator Francis Tolentino ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na harangan ang paparating na screening ng “Barbie” na pelikula ng Warner Bros.

Ayon kay Sen. Tolentino hindi lang ito makakasama sa Republika ng Pilipinas kundi salungat sa ipinaglaban at nakamit ng ating bansa sa ilalim ng arbitral ruling noong 2016.

Matatandaang noong 2016, pinawalang-bisa ng The Hague Tribunal ang “nine-dash line'” claim ng Beijing sa buong rehiyon ng South China Sea (SCS) kasunod ng kasong arbitrasyon na isinampa ng gobyerno ng Pilipinas noong Enero 22, 2013.

Samantala, nagbabala si Tolentino na ang pagpayag sa local screening ng pelikula ay hahantong lamang sa “nakapipinsala” na kahihinatnan sa prestihiyo ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter