Senado, hindi pinapansin ang panukala na bubuo ng Department of Disaster Resilience —Marcoleta

HINDI pinapansin ng Senado ang panukalang pagtatayo ng Department of Disaster Resilience (DDR) kahit matagal na itong nai-transmit ng Kamara sa Senado.

Ayon kay Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa panayam ng Sonshine Radio, napakaimportanteng mabuo ang departamentong ito para mapaghandaan ang regular na pagdating ng bagyo at kalamidad sa bansa.

Binigyang diin pa ni Marcoleta na kapag ang importanteng panukala na makakatulong sa mamamayan ay hindi pinagbibigyan ng panahon ng Senado.

Meron pa aniyang isang panukala na magtatatag ng mga evacuation centers ngunit hindi pa napapakinggan sa Senado.

Ibinahagi pa nito na mas inuna pa ng Senado ang panukalang ang benepisyaryo ay ang subsidiary companies ng ABS-CBN.

Follow SMNI NEWS twitter