Senatorial Campaign Tracker
37 araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya!
Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.
Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko. Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa Pasig City kung saan binisita ni Ariel Querubin ang alkalde ng lungsod.
Mula naman Caloocan City, nag-motorcade si Atty. Raul Lambino patungong Magalang, Pampanga para sa campaign rally ng “Ayusin Natin ang Pilipinas.”
Nasa Cagayan Province naman sina Senator Bong Go kasama ang kanyang kapwa PDP Senatoriables na sina Philip Salvador at Atty. Jimmy Bondoc.
Nag-motorcade naman si Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. sa probinsya ng Rizal.
Dumalo naman sa isang programa si Kiko Pangilinan.
Si Bonifacio Bosita, nangampanya naman sa Bacolod City, Negros Occidental.
Sa isang pulong balitaan naman, binigyang-diin ni Sen. Francis Tolentino na dapat paghandaan ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Taiwan sakaling lumala ang tensiyon sa pagitan ng China.
Si Atty. Angelo de Alban naman, bumisita sa Cagayan de Oro noong Biyernes.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.