Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Tatlumpu’t limang na araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.

Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko. Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.

Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.

Simulan natin sa Sta. Rosa City, Laguna kung saan nakaharap ni Ariel Querubin ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

Sa probinsya rin ng Laguna nangampanya si Kiko Pangilinan.

Nakadaupang-palad naman ni sen. Pia cayetano ang mga taga-Gumaca, Quezon.

Sinimulan naman ni sen. Francis Tolentino ang kanyang pangangampanya ngayong linggo sa Quezon City.

Nitong linggo naman, sa Quezon City rin nag-ikot si Gringo Honasan.

Nag-motorcade naman sa lungsod ng maynila si atty. Raul Lambino.

Samantala, sa Pasay City nag-ikot si Atty. Jayvee Hinlo.

Habang nag-ikot naman sa probinsya ng Capiz si Senator Bong Go kasama si Philip Salvador.

Si Bonifacio Bosita, nangampanya naman sa SA Pavia, Iloilo.

Nasa Baguio city naman si atty. Angelo de Alban nitong weekend.

Nasa naturang lungsod din si Mar Valbuena para dumalo sa isang forum sa Saint Louis University.

Si Sen. Imee Marcos naman, nakaharap ang isang grupo ng magsasaka sa Pililla, Rizal nitong linggo.

At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble