Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Senatorial Campaign Tracker

Tatlumpu’t tatlong na araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo a-dose, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya! Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.

Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko.

Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.

Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa.

Simulan natin sa probinsya ng Albay kung saan nagkaroon ng motorcade ang ilan sa PDP Laban Senatorial Candidates. Kabilang dito sina Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Jimmy Bondoc at Philip Salvador.

Sumamarin sa naturang motorcade ang representante ni Pastor Apollo C. Quiboloy, Sen. Bong Go, Sen. Ronald Bato Dela Rosa at ng ilan pang Duterte Senatoriables.

Ngayong Araw ng Kagitingan, bumisita naman si Ariel Querubin sa Mt. Samat National Shrine – Dambana ng Kagitingan sa probinsya ng bataan.

Sa social media naman nagpaabot ng mensahe si Sen. Francis Tolentino.

Sa probinsya ng Pampanga nangampanya si Kiko Pangilinan.

Sa Cavite naman nag-ikot si Mar Valbuena.

Habang si Ping Lacson, sumalang sa isang live interview sa Pangasinan.

Sa Navotas City naman nag-motorcade si Willie Revillame.

Napanayam naman sa isang podcast si atty. Angelo de Alban.

Nitong Martes, bumisita naman si Bam Aquino sa Northern Samar.

Sa probinsya naman ng Bulacan nangampanya si Sen. Bong Revilla.

Habang nasa Butuan City si Rodante Marcoleta nangampanya.

At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.

Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.

Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble