Senatorial Campaign Tracker!
HIGIT dalawang buwan bago ang halalan sa Mayo 12, 2025, mas pinaigting pa ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya para matiyak ang pinakaaasam na boto mula sa mga Pilipino. Gagawin nga nila lahat—bibisitahin maging ang iba’t ibang lugar—masiguro lang na iboboto sila.
Narito ang pinakahuling kaganapan sa kanilang mga kampanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa bayan ng Emilio Aguinaldo, sa Cavite kung saan kapwa dumalo sina Ariel Querubin at dating Sen. Gringo Honasan sa isang pagtitipon ng mga beterano at retiradong sundalo. Sa kanilang talumpati, kapwa nila binigyang-diin ang pangangailangan ng reporma sa pamahalaan.
Nakipagpulong naman si Bam Aquino sa mga mangingisda para pag-usapan ang kanilang pangamba sa floating solar project sa Laguna de Bay.
Nagbigay ng talumpati si Roberto “Ka Dodoy” Ballon sa UPLB Forestry Development Forum, na kaniyang ibinahagi sa social media.
Nangampanya si Sen. Bong Revilla sa bayan ng Pateros, kung saan sinalubong siya ng kaniyang mga taga-suporta.
Dumalo si David D’Angelo sa Realize 2025 Practical Information event sa Makati.
Nagpasalamat si Angelo de Alban sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga taga-Cebu matapos niyang lumahok sa isang multi-sectoral candidates forum sa University of San Carlos.
Dumalo naman si Sen. Bato Dela Rosa sa unang araw ng Philippine Councilors League (PCL) Region VII Assembly sa Mandaue, Cebu.
Sa kaniyang social media live, tinalakay ni Atty. Raul Lambino ang isyu ng mataas na presyo ng bilihin at ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Nagdaos ng kampanya si Sen. Imee Marcos sa Zamboanga Sibugay.
Nagbahagi si Norman Marquez ng isang panayam sa kaniya ng isang radio station sa Cebu City.
Nag-guest sa isang radio interview si Eric Martinez.
Nag-ikot si Sen. Francis Tolentino sa Dasmariñas City upang makausap ang mga residente.
Sa Baguio City naman nangampanya ngayong Huwebes si Erwin Tulfo.
At ‘yan ang pinakabagong update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.