DANAO CITY, CEBU — Pormal na ipinakilala sa mga Cebuano si Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa ginanap na Duterte Bakud Maisug Grand Rally nitong Mayo 2, 2025 sa CTU Danao Oval, sa pangunguna ni Atty. Israelito Torreon.
Kasama rin sa entablado sina PDP-Laban senatorial candidates Atty. Vic Rodriguez at Atty. Jayvee Hinlo, na kapwa naglahad ng kanilang mga plataporma ukol sa reporma sa hustisya, good governance, at pambansang kaayusan.
Ang naturang rally ay dinaluhan ng libu-libong tagasuporta at pinangunahan nina Congressional Candidate Thomas “Mix” Durano, Mayoral Candidate Ramon “Nito” Durano III, at mga lider ng Maisug Cebu movement, na kilala sa pagsuporta sa Duterte-Durano alliance sa Central Visayas.
Ang Maisug Grand Rally ay bahagi ng final leg ng kampanya ng Duterte Bakud–Maisug coalition sa lalawigan, habang papalapit na ang pagtatapos ng campaign period ngayong Mayo.