PINABULAANAN ng Department of Education (DepEd) ang sinasabing magkakaroon ng Grade 13 ang Senior High School ngayong School Year 2025-2026.
Ginawa ng ahensiya ang paglilinaw dahil kumakalat na ito sa social media lalo na sa Facebook.
Ang fake news na post ay naglalaman pa ng link direkta sa mga gumagamit ng isang online shopping website.
Ngayon ay ipinaalala ng DepEd sa publiko na tanging sa official social media lang nila mag-check ng impormasyon kaugnay sa sektor ng edukasyon sa bansa.
Samantala, pinabulaanan na rin ng DepEd na tatanggalin nila ang Kinder at Grade 11 ngayong school year.
Batay pa rin ito sa hiwalay na kumakalat na fake news sa social media.
Ayon sa naturang post, itinigil na umano ng DepEd ang pagtanggap ng mga mag-aaral para sa Grade 11.
Ang mga nagtapos din umano ng Grade 10 ay maaari na dumiretso sa kolehiyo.
Ang mga limang taong gulang na mga bata rin ayon sa fake post ay maaaring tanggapin sa Grade 1 kahit hindi dumaan sa Kindergarten.