TUTUTUKAN ni Valenzuela Representative at Committee on Appropriations Vice Chairperson Eric Martinez ang pagkakaroon ng sense of urgency ng mga water concessionaire sa gitna ng nararanasang kakulangan ng tubig partikular na sa Metro Manila.
Ito ang binigyang-diin ni Martinez sa panayam ng SMNI News.
Ani Martinez, marami ang nasasayang na tubig dahil sa kakulangan ng sense of urgency ng mga water concessionaire lalo na sa usapin ng maintenance ng kanilang mga pasilidad.
Partikular na tinukoy rito ng mambabatas ang matagal na pagsasaayos sa mga tagas o problema sa mga lumang tubo ng tubig na minsan ay inaabot pa ng dalawa hanggang tatlong linggo bago makumpuni.