Shipping company na biyaheng Romblon pinadalhan ng show cause order dahil sa overloading

Shipping company na biyaheng Romblon pinadalhan ng show cause order dahil sa overloading

PINADALHAN ng show cause order ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang isang shipping company na bibiyahe sana mula Batangas papuntang Romblon dahil sa isyu ng overloading.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ito’y dahil sa kanilang impormasyong nakuha, nagbenta ng tickets ang nasabing shipping line na lagpas sa kanilang kapasidad.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng DOTr ang nasabing insidente.

Samantala, inatasan na ni Dizon ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga pasahero dahil hindi na pinayagang lumayag ang barko dahil sa ginawang paglabag.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter