KUNG gaano kainit ang summer ngayon, ganoon din kainit ang pagtanggap ng mga taga Tayug, Pangasinan sa pagtungo ng mga volunteer ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement North Luzon Chapter para sa Nationwide “Ayusin Natin Ang Pilipinas” Rally para sa kandidatura ni Pastor Apollo C. Quiboloy
Totoo nga’t, magkakaiba man ng paniniwala, estado sa buhay o sa pananampalataya, iisa ang sigaw ng nakararami, sana anila dumating na ang tunay na pagbabago sa bansa.
Ilan sa mga hinaing nila ang problema ng kahirapan at kawalan ng trabaho.
Mangyayari lamang anila iyon, kung magiging responsable ang lahat sa pagboto ng tamang kandidato ngayong darating na Mayo.
Mga kandidatong magiging tulay ng matagal nang pangarap ng mga Pilipino na makalaya sa mga maling pinuno ng bansa.
Bukod sa pagiging kilalang matalik na kaibigan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matagal nang may resibo si Pastor Apollo sa usapin ng maayos na pamumuno, sa usapin ng malinis na komunidad na walang korapsiyon, walang krimen at may takot sa Diyos
Prayoridad rin ni Pastor Apollo ang libreng edukasyon, medical assistance, at pantay na oportunidad at trabaho para sa lahat.
Follow SMNI News on Rumble