‘Silakbo’ tour ng Cup of Joe, dadalhin sa Bacolod ngayong Biyernes

‘Silakbo’ tour ng Cup of Joe, dadalhin sa Bacolod ngayong Biyernes

ARE you ready, Bacolod? Well, mag ready na dahil muling huhugot, magpapakilig at manghaharana ang Filipino hitmakers.

After sa successful tour ng Cup of Joe sa Baguio, Cebu, at Davao, huli nilang pupuntahan ang Bacolod para sa isang emosyonal na pagtatapos ng kanilang nationwide tour.

Nakatakdang pumunta ang indie-pop band ngayong Biyernes, June 13, 2025 para sa kanilang ‘SILAKBO: The Concert Tour 2025. Magaganap ang concert sa University of St. La Salle mula 6pm to 11pm.

Ang Filipino pop/rock band mula Baguio ay binubuo nina Gian Bernandino, Raphael Ridao, Gabriel Fernandez, Clint Joules Fernandez, at Vixen Gareza, pero umalis sa grupo ang isa sa lead vocals na si Raphael noong 2024.

Sumikat sila sa mga kantang “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko”, “Estranghero”, at “Mananatili.”

Available naman ang tickets ng concert sa smtickets.com

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble