SINAG: Unahin ang MSRP sa sibuyas kaysa sa karneng baboy

SINAG: Unahin ang MSRP sa sibuyas kaysa sa karneng baboy

INIREREKOMENDA ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na unahin muna ng Department of Agriculture ang pagtatakda ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa sibuyas imbes na sa karneng baboy, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay Jayson Cainglet, Executive Director ng SINAG, mababa ang farm gate price ng sibuyas—nasa P90 kada kilo para sa pula at P40-P50 kada kilo para sa puting lokal na sibuyas—ngunit nananatiling mataas ang presyo nito sa merkado.

Batay sa price monitoring, sumampa na sa P240 kada kilo ang lokal na pulang sibuyas, habang P150 kada kilo naman ang puti. Naniniwala ang grupo na maaaring nilalaro ng mga biyahero at trader ang presyuhan, dahilan ng mataas na patong sa retail.

Giit ng SINAG, kung magpapatupad ng MSRP ang DA, hindi dapat lumagpas sa P150 kada kilo ang pulang sibuyas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble