Sistematikong paglabag ng PNP sa KOJC─Atty. Vic Rodriguez

Sistematikong paglabag ng PNP sa KOJC─Atty. Vic Rodriguez

KINONDENA ng dating Executive Secretary ng Marcos administration na si Atty. Vic Rodriguez ang ginawang pag-atake ng Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa religious compounds ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City noong Hunyo 10, 2024.

“Ating mga kaibigan at kasama diyan sa PNP ‘wag naman ninyong gamitin ang inyong kapangyarihan upang tapakan ang karapatang pantao ng mga taong pinanumpaan ninyong paglingkuran at bantayan,” ani Atty. Vic Rodriguez – Former Executive Secretary.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Vic Rodriguez patungkol sa pagsalakay ng mga armadong kapulisan sa mga religious compound ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong Hunyo 10 na nagdulot ng matinding takot at trauma sa mga missionary ng KOJC.

Bukod dito, binabaliktad rin kasi ng PNP sa mainstream media ang totoong nangyari sa kanilang marahas na paglusob na ang mga miyembro umano ng KOJC ang naunang nanakit bagay na mariing pinasinungalingan ng mga kuha ng CCTV.

Sa kabila naman ng mga propaganda na ito ng PNP ay lalo pang dumarami ang kumokondena sa marahas na pagsalakay at pambababoy ng kapulisan sa mga sagradong lugar ng KOJC na tinagurian ni former President Duterte na ‘The Day of Infamy’.

“Ang isang sistematikong paglabag at paglapastangan sa ating karapatang pantao lalo na kung ang nasa frontline ay kababaihan kagaya ng Kingdom of Jesus Christ na religious ‘di naman bayolenteng grupo at mga kabataan, ito ay haram. Ibig sabihin ilegal, immoral, bawal na bawal,” ani Rodriguez.

Dahil din aniya sa kalupitang sinapit ng mga manggagawa ng KOJC, lalo na sa hanay ng kabataan at kababaihan, maraming Pilipino aniya ang nawalan na ng tiwala sa kapulisan na dapat sana’y magtatanggol at magbibigay sa kanila ng proteksiyon, ay sila pa ang lumabag sa karapatan pantao.

“Sa ating kapulisan, sundin lang ninyo ‘yung mga lawful orders hindi naman porke na kayo ay nasa serbisyo inutusan kayo susundin natin dahil natatakot kayong ma-relieve, matanggalan ng trabaho, masuspinde. Naintindihan natin in a certain degree pero ‘di na natin maiintindihan kung nagpapagamit kayo na saktan ang inyong kapwa Pilipino,” saad pa ni Rodriguez.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble