SMNI, itinataguyod ang katotohanan—Atty. Harry Roque

SMNI, itinataguyod ang katotohanan—Atty. Harry Roque

NAGBIGAY ng kaniyang suporta si Former Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa pangalawang pagkakataon sa ika-7 na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Nagpahayag si Atty. Roque ng kaniyang mga hinaing tungkol sa mga ginagawang panggigipit ng kasalukuyang administrasyon sa Sonshine Media Network International (SMNI) at sa ginagawang pang-aabuso ng Senado sa pangunguna ni Risa Hontiveros na nagsasagawa ng hearing patungkol sa mga isyu na ibinabato nito kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sinabi nito na hinding-hindi masusupil ng Kongreso ang SMNI sapagkat ito lamang ang media network  na nagtataguyod ng katotohanan at ito ay magpapatuloy kahit anuman ang mangyari.

Lubos din ang suporta ni Roque sa kinakaharap ni Pastor Apollo ngayon sa ginagawang panggigipit ng Senado sa butihing Pastor at hangad rin nito ang hustisya at katarungan na patuloy ngayon na ipinaglalaban ng mga tagasuporta lalong-lalo na ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble