Solar spikers nakuha sa No. 1 overall pick ang 3-time UAAP MVP

Solar spikers nakuha sa No. 1 overall pick ang 3-time UAAP MVP

PAPASUKIN na ng Capital1 Solar Spikers ang panibagong yugto ng kanilang koponan.

Ito’y matapos ang isang maituturing na “game-changing” decision sa katatapos lang na Premier Volleyball League rookie draft nitong Hunyo 8, 2025.

Gamit ang No. 1 overall pick, pinili ng Capital1 si Mhicaela “Bella” Belen, isang kilalang outside hitter mula sa National University.

Bagama’t inaasahan ng marami ang pagpiling ito, naging isang sorpresa pa rin ito kahit para kay Belen mismo.

Sa kasalukuyan ay nasa Vietnam si Belen bilang bahagi ng Alas Pilipinas na lumalahok sa AVC Nations Cup kaya’t inihatid niya ang kaniyang acceptance speech sa pamamagitan ng isang recorded video.

Ang 22-anyos na si Belen ay isang three-time UAAP MVP at itinuturing na isa sa mga pinakamahuhusay na manlalaro at matagal nang inaabangan ang kaniyang pagpasok sa propesyonal na liga.

Muling makakasama ni Belen ang ilang pamilyar na mukha sa kampo ng Capital1, kabilang na si Head Coach Jorge Souza de Brito at si outside hitter Leila Cruz—ang kaniyang coach at kasamahan sa koponan sa Alas Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble