POSIBLENG hindi aabot ng isang oras ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ito ang naging pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.
Aniya, kahit hindi pa nalalaman ang magiging SONA ni Pangulong Marcos, ibabahagi ng Punong Ehekutibo ang kaniyang nagawa sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Samantala, wala nang isasagawang COVID-19 testing para sa lahat ng dadalo ng SONA, kailangan lamang nila mag presenta ng hard copy o screenshot ng kanilang vaccination card.