South Korea, nakapagtala ng higit 88,000 kaso ng COVID-19

South Korea, nakapagtala ng higit 88,000 kaso ng COVID-19

LUMAGPAS sa walumput walong libong kaso ng COVID-19 ang naitala ng South Korea ngayong araw.

Ito ay pinangangambahan na simula ng pagtaas ng bilang ng kaso sa panahon ng taglamig dahil isa sa anim na katao sa bansa ay positibo na sa sakit.

Dahil dito lagpas 28-M kaso na ang naitala ng bansa.

Mula noong nakaraang linggo ay higit 80-K na ang naitalang positibong kaso sa bansa bawat araw na siyang pinakamataas sa nakalipas na 3 buwan.

Ayon pa sa public health agency ng bansa, ang weekly infection ay umabot na sa 455-K kaso.

Samantala, nasa 512 katao ang critically ill patients sa bansa.

 

 

Follow SMNI News on Twitter