South Korean President, nasa Pilipinas para sa 2-day state visit

South Korean President, nasa Pilipinas para sa 2-day state visit

NASA Pilipinas si South Korean President Yoon Suk Yeol para sa isang two-day state visit.

Nagsimula na ito noong Oktubre 6 at magtatapos sa ngayong araw, Oktubre 7.

Ang pagbisita na ito sa bansa ay kauna-unahan ni Yoon at kauna-unahan din para sa isang Korean president sa loob ng 13 taon.

Inaasahang tatalakayin ni Yoon at Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang patungkol sa seguridad, ekonomiya, kultura, people-to-people exchange, at marami pang iba.

Inaasahan din na mapag-usapan ng dalawang pinuno ang hinggil sa iba’t ibang regional at international issues.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble