Special Elections sa 3rd district sa NegOr, hindi itutuloy sa Disyembre

Special Elections sa 3rd district sa NegOr, hindi itutuloy sa Disyembre

KANSELADO na ang anumang preparasyon ng Commission on Elections (COMELEC) para sana sa Special Election sa ikatlong distrito ng Negros Oriental sa Disyembre.

Ito ay kasunod ng resolusyon ng Kamara na naghihimok sa komisyon na huwag munang ituloy ang eleksiyon.

Ayon sa COMELEC, obligado silang sumunod dahil nasa Kamara ang kapangyarihan na nagpatawag o magpatigil ng special elections.

“The COMELEC will just implement the mandate of the House of Representatives in this respect sapagkat myembro po kasi nila ito. This involves the question of the membership. This should be resolved by the House of Representatives,” pahayag ni Atty. George Erwin Garcia, Chairman, COMELEC.

Ayon kay Garcia, ang dahilan ng HOR sa kanilang resolusyon ay dahil may mag pending na disqualification cases sa buong Rehiyon 7 sa katatapos lang na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

At ang iba pang dahilan ay dahil sa patuloy na pagkuwestiyon ni dating 3rd District Rep. Arnie Teves, Jr. ng ginawang pagpapatalsik sa kaniya.

“Arnolfo Teves, Jr. continue to question his expulsion as Member of the HOR by filing petition for certiorari before the Honorable Supreme Court,” ani Garcia.

Sa kabila naman ng pag terminate ng COMELEC sa Special Election, ay tiniyak naman nito na wala pa silang nagagastos para sa eleksiyon.

Aniya, intact pa ang P75-M na inaasahan nilang nagagastos para sa mag-iimprenta ng balota at honoraria ng mga magsisilbi sa halalan.

Ni wala pa anila silang napipirmahang kontrata sa mga supplier.

“Wala pa pong ganun malaking nagagastos ang COMELEC. Ni hindi pa siya in a million. Simply because katatapos pa lang ng BSKE. Ngayon pa lang po kami talaga nakakapagfocus,” aniya.

Sa ngayon ay inatasan na ng COMELEC ang mga regional election officer na ipagbigay-alam sa mga naghain ng kandidatura ang patungkol sa terminasyon ng special election.

Napag-alaman na isa sa mga naghain ng certificates of candidacy (COC) ay ang kapatid ni Arnie Teves na si Henry Pryde Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble