BUKAS na ang Parañaque City sa mga mag-aaral na nais makapagtrabaho sa pribadong kompanya sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Inanunsiyo na 60 SPES applicants ang kinakailangan ng private companies sa Parañaque.
‘Qualified’ sa programa ang mga mag-aaral ng out-of-school youth mula sa indigent sector, edad 18 – 29 at residente ng lungsod.
Sa mga interesado ay makipag-ugnayan sa Parañaque LGU.