Specialty Centers Bill, lusot na sa Kamara

Specialty Centers Bill, lusot na sa Kamara

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill No. 7751 o ang Department of Health Specialty Centers Act.

Layon ng panukala na magtayo ng specialty centers sa mga piling ospital sa buong bansa.

Inaatasan naman ang Department of Health na magtayo ng care center para sa 17 specialties.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

–    Cancer care

–    Cardiovascular care

–    Lung care

–    Renal and kidney transplant

–    Brain and spine care

–    Trauma care

–    Burn care

–    Orthopedic care

–    Physical rehabilitation medicine

–    Infectious diseases and tropical medicine

–    Toxicology

–    Mental health

–    Geriatric care

–    Neonatal care

–    Dermatology care

–    Ear, nose and throat care

–    at Eyecare

256 mambabatas ang bumoto pabor sa panukala.

Sa ngayon, mangilan-ngilan lamang ang specialty hospital sa bansa gaya ng Lung Center, Heart Center at National Kidney and Transplant Institute.

Follow SMNI NEWS in Twitter