SPM volunteers susulong para sa kalinisan

SPM volunteers susulong para sa kalinisan

WALANG pag-aatubiling sumulong ang mga volunteer na nakilahok sa Nationwide Cleanliness Drive ng Sonshine Philippines Movement sa Brgy. Dila Purok 6 at 7 sa bayan ng Bay, lalawigan ng Laguna.
Nagpaabot din ng tulong at pagsupporta si Gov. Ruth Mariano Hernandez kasama ni Gov. Ramil Hernandez, Vice Gov. Peewee Platon Perez, Mayor Jose O. Padrid ng Bay, MENRO, Brgy. Kagawad lalo na ng SPM volunteers at Keepers Club volunteers upang maging matagumpay at magkaroon ng mabuting pagbabago sa ating kapaligiran.

Ang Nationwide Coastal Cleanliness Drive na ito ay inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy na may temang “Kalinisan: Tatag ng Bayan” na may layuning maibalik ang kagandahan at kalinisan ng kalikasan.

#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble