ISUSULONG ni Senator Christopher “Bong” Go ang isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng isang istraktura para sa mas komprehensibong pambansang programa sa palakasan na mag-uugnay sa grassroots sports promotion sa national sports development.
Sa pamamagitan ng Philippine National Games (PNG) Act of 2022, ang Chairman ng Senate Committee on Sports ay naglalayong tiyakin ang isang mas inklusibong sistema ng pagtataguyod ng mga promising Filipino athletes.
Ito ay magbibigay rin sa kanila ng mas malaking pagkakataon na maging mga contenders sa mga international sporting competitions.
Umaasa rin si Sen. Go na masusuportahan ng panukalang batas na ito ang iba pang Olympic at Asian Games Sports kung nakakahakot ng medalya ang atletang Pilipino ngunit hindi regular na kasama sa Palarong Pambansa o anumang programa sa palakasan sa bansa.