SRA, planong ibenta ang mga smuggled na asukal sa Abril

SRA, planong ibenta ang mga smuggled na asukal sa Abril

PLANO ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ibenta ang mga nakumpiskang smuggled na asukal sa Kadiwa stalls simula Abril.

Ayon ay SRA Board Member Pablo Luis Azcone, mayroon na silang approval upang ibenta ang mga nasakoteng asukal sa Kadiwa at sa ngayon ay tinatapos na lamang nila ang mga dokumento upang maibenta na rin ito agad.

Sa oras na maplantsa na ang mga kailangang dokumento, nasa 4,000 metric tons ng asukal aniya ang ibebenta sa susunod na buwan.

Inaasahan naman ng SRA na bababa ang presyo ng asukal sa 70 piso kada kilo kasunod ng pag-apruba sa importasyon ng 440,00 metric tons nito ayon pa kay Azcona.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter