Stationary water tanks para sa 4 lungsod, nakahanda na—Maynilad

Stationary water tanks para sa 4 lungsod, nakahanda na—Maynilad

AYON sa Maynilad, apektado ng maintenance activities ang mga lungsod ng Makati, Manila, Parañaque, at Pasay simula alas-nueve ng gabi ng Abril 8.

Magkakaroon ng pipeline interconnection sa Anonas St. (malapit sa Polytechnic University of the Philippines), sa loob ng PNR property (malapit sa Pasig River), at sa Mabini St. sa kanto ng Un Avenue. Kasama ring maaapektohan ang maintenance works sa Villamor Pumping Station and Reservoir sa Pasay.

Apektado ang mga barangay ng Bangkal, Magallanes, Pio del Pilar, at San Isidro sa Makati. Marami pang ibang barangay sa Pasay City ang mawawalan ng linya ng tubig.

Sa Parañaque, kabilang sa maaapektohan ang mga barangay ng Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Isidro, San Martin de Porres, at Sun Valley. Sa Pasay City naman, apektado ang mga barangay ng 181, 185, at 201.

Ayon sa Maynilad, ang proyekto ay bilang suporta sa North-South Commuter Railway (NSCR) na inisiyatibo ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR).

Layunin nitong mabawasan ang water losses at mapabuti ang water supply at water pressure sa mga apektadong lugar.

Bilang bahagi ng hakbang, naghanda ang Maynilad ng mobile water tankers na maghahatid ng malinis at maiinom na tubig sa mga apektadong lugar.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official page ng Maynilad Water Services upang malaman ang mga lokasyon ng stationary water tanks.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble