POSIBLENG magkakaroon na ng music comeback ang K-pop boy group na Stray Kids ngayong 2024.
Hindi pa man tiyak kung kailan subalit maaaring mangyayari ito sa buwan ng Hunyo.
Ang magiging comeback release ay ang pinakalatest simula nang inilabas nila ng “Rock Star” noong Nobyembre 2023.
Sa inilabas na World Albums Chart ng Billboard nitong Abril 13, nasa Rank No. 6 ang naturang album ng grupo.