ININSPEKSIYON ng mga awtoridad mula sa Supervisory Office for Security Investigation Agencies (SOSIA) ng Camp Crame ang sugarmill na matatagpuan sa Sicopong, Sta. Catalina Negros, Oriental kung saan ang pamilya Teves ay isa sa mga incorporator nito.
Nasundan ng SMNI Team ang ginawang inspection ng grupo ni Police Senior Master Sargent Alexander Nepomoceno sa mga security na nakatalaga sa sinasabing sugar mill na pagmamay-ari ng pamilya Teves.
Sa ginawang inspection, lumabas na kumpleto, pasado at awtorisado ng SOSIA standards ang lisensiya ng security agency ng naturang sugar mill.
Naabutan din ng SMNI Team ang pagtangap ni Atty. Celeste Ann Capila sa inspection order mula sa hepe ng SOSIA na si Pol. Brge. General Yumayu Abugan.
Gayunman, nilinaw ng mga awtoridad na ang naganap na inspeksiyon ay walang kinalaman sa nagpapatuloy na imbistigasyon sa pagpatay kay Gov. Degamo.
Ganunpaman, palaisipan din para sa mga humarap sa inspection team ang ginawang pagsusuri ng awtoridad, dahil ito umano ang pinakaunang inspeksiyon na ginawa para sa kanilang mga security.