Super Bowl parade ng Kansas City Chiefs sa Missouri, USA binulabog ng gun shooting

Super Bowl parade ng Kansas City Chiefs sa Missouri, USA binulabog ng gun shooting

NASAWI ang isang indibidwal at sugatan ang nasa 21 iba pa matapos nangyari ang isang pamamaril sa Union Station, Kansas City, Missouri.

Sa ulat, nangyari ito habang paalis na ang fans ng Kansas City Chiefs mula sa inorganisa nilang parade at rally para sa pagkapanalo nito sa Super Bowl 58 ayon sa Kansas City Police.

Kaugnay nito, tatlong suspek ang na-detain at isang armas ang narekober.

Tinatayang nasa isang milyon ang dumalo sa parade at rally nitong Pebrero 14, 2024, Missouri time.

Nasa 800 naman ang naka-deploy na law enforcement officers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble