SAPAT ang suplay ng tubig sa Kalakhang Maynila maging sa mga karatig lalawigan ngayong tag-init ayon sa Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS).
Ayon kay Patrick Dizon, acting deputy administrator ng MWSS, nasa 207.4 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam ngayong Martes, Abril 15, 2025.
Mas mataas ito ng 13 meters kumpara sa parehong panahon noong 2024.
Bagamat sapat ay nananatili pa ring ipinapaalala ng MWSS na magtipid at mag-imbak dahil mayroong mga gagawing pagkukumpuni sa mga linya ng tubig ngayong Semana Santa.
Nagsimula ang dry season nitong huling bahagi ng buwan ng Marso.