HINDI rin pahuhuli ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Lantapan, Bukidnon sa pagpapakita ng kanilang pagmamahal at suporta sa dating pangulo.
Katunayan, handa na ang Brgy. Poblacion Covered Court para sa ‘Bring Him Home: A Prayer for Tatay Digong’—isang nationwide simultaneous rally na layuning ipanawagan ang pagbabalik ni Duterte sa bansa.
Patuloy na lumalakas ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa bilang pagtutol sa umano’y ilegal na pag-aresto sa dating pangulo.