Suporta sa PDP-Laban Senatorial Slate lalakas dahil sa isyu kay FPRRD

Suporta sa PDP-Laban Senatorial Slate lalakas dahil sa isyu kay FPRRD

KAHIT hindi nakikita ang pisikal na presensiya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pangangampanya, hindi umano ito nangangahulugan na mawawalan ng suporta ang kaniyang mga pambato.

“Malaking factor na nandun sya physically, pero malaki rin naman ‘yung epekto kung bakit wala sya ‘dun o kung bakit hindi sya nakakasama. At ‘yun nga, in spirit mararamdaman at  mararamdaman ng taumbayan na nandoon siya sa mga pagtitipon na ‘yun dahil nga ‘yung pinaglaban naman niya from the very beginning, ay siya rin naman ipagpapatuloy na ipaglalaban ng kaniyang mga sinusuportahang kandidato,” pahayag ni Prof. Froilan Calilung, Political Analyst.

Ayon pa kay Calilung, inaasahang lalong titindi ang suporta ng publiko sa mga kandidato ng PDP-Laban, dahil nauunawaan ng taumbayan na higit kailanman, kailangan ngayon ng dating Pangulo ng mas maraming kaalyado sa gitna ng mga hamong kaniyang kinakaharap.

“Sa tingin ko mas magiging masidhi ‘yung mga pagtanggap sa mga kandidato ng PDP-Laban ngayon primarily because merong mas malalim na dahilan para suportahan sila ng taumbayan, ng mga sumusuporta sa dating Pangulong Duterte dahil alam nila na kakailanganin talaga ng dating Pangulo ng mas maraming kaibigan, kasama, kaalyado ngayon dahil hindi biro ‘yung laban na kaniyang kinakaharap,” ayon pa kay Calilung.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble