Supply ng mga highland vegetables sa Benguet, nagpapatuloy

Supply ng mga highland vegetables sa Benguet, nagpapatuloy

SA kabila ng patuloy na pag-ulan noong mga nakaraang linggo na nagdulot ng matinding pagkasira sa sektor ng agrikulrura ay nagpapatuloy pa rin ang pagkakaroon ng supply ng mga gulay sa Benguet, base sa ulat ng Department of Agriculture – Cordillera (DA-CAR).

Ayon sa Department of Culture, wala namang pagbabagong naganap sa general inflow ng mga gulay sa mga trading centers particular na sa La Trinidad ngunit nakapagtala ang ahensya ng pagbaba sa commodity volume.

Base sa inventory report ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), ang average inflow ng vegetable volume mula noong buwan ng Abril hanggang Hunyo ay umaabot ng 2, 173 tonelada kada araw at ng dumating ang tag-ulan ay bumaba ito sa 1, 857 tons at pagkatapos ng 5 araw na patuloy na pag -ulan ay mas lalo pa itong bumaba sa 1, 715 tons.

Nakapagtala naman ang DA ng aabot sa P134 milyong halaga ng mga nasirang gulay, livestock at poultry lalo na sa probinsya ng Benguet, Abra, Mt. Province kabilang na ang Baguio City.

Sa probinsya ng Benguet ay naitala ang P80 milyong halaga ng pinsala sa mga gulay at pagkasira ng agricultural facilities habang naitala sa Abra ang pinakamataas na halaga ng pinsala sa livestock at poultry na aabot sa P2.4 milyon.

Ayon kay RDRRMO Focal Person Lito Mocati, ang mga naiulat na pagkasira ay kasalukuyang isinailalim sa validation at kung napatunayan na ang mga ito ay umabot na sa severe damage ay irerekomenda na ang immediate positioning sa mga seed reserve partikular na ang mga buto ng mga gulay, palay, at mais kasama na ang libreng pampataba.

Gayunpaman ay patuloy na binibigyang serbisyo ang mga magsasaka sa mga loans and insurance program sa ilalim ng Agricultural Credit and Policy Center at Philippine Crop Insurance Corporation ng Department of Agriculture.

(BASAHIN: Pang-92 Malasakit Center binuksan sa Probinsiya ng Benguet)

SMNI NEWS