Suspek sa likod ng pag-hack sa sistema ng PSA, tukoy na—DICT

Suspek sa likod ng pag-hack sa sistema ng PSA, tukoy na—DICT

KINUMPIRMA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nakaranas ng data breach ang Philippine Statistics Authority (PSA).

Inilahad ni Asec. Aboy Paraiso, tagapagsalita ng DICT, na tukoy na nila ang suspek sa likod ng pag-hack sa sistema ng PSA.

Aniya magkaiba umano ang nasa likod ng hacking inicident ng PSA at PhilHealth.

‘‘That one that I confirm that it’s different. The one in PhilHealth is with the Medusa. It’s a foreign very sophisticated group. With the PSA, our suspect is somewhat local and somewhat amateurish pa ‘yung sa PSA,’’ ayon kay Asec. Aboy Paraiso, Spokesperson, DICT.

Lawak ng datos na na-hack mula sa sistema ng PSA, inaalam pa ng DICT

Sa kabila nito, hindi pa masabi ng DICT kung gaano kalawak ang data sa sistema ng PSA na na-leak.

Ayon kay Paraiso, magdedepende rin ang kanilang imbestigasyon sa access na ibibigay ng PSA sa kanila.

‘‘There is still an ongoing investigation as to the extent of the damage and the breach that was done. And hopefully within the day mailabas natin ‘yung official statement ng DICT when it comes to our findings when it comes to the PSA attacks,’’ dagdag pa ni Asec. Paraiso.

Ayon sa PSA na limitado sa community-based monitoringsystem (CBMS) nito ang napasok ng hackers at inaalam pa ng ahensiya kung may mga personal na datos na nakompromiso.

Laman ng CBMS ang datos mula sa mga household o tahanan, na gamit ng pamahalaan sa paglalatag ng programa.

Follow SMNI NEWS on Twitter