Taguig City Mayor Lani Cayetano, muling sasabak sa pagka-alkalde ng lungsod

Taguig City Mayor Lani Cayetano, muling sasabak sa pagka-alkalde ng lungsod

MULING tatakbo si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa pagka-alkalde ng lungsod sa 2025.

Ang kaniyang muling paghahain ng kandidatura ay dahil na rin sa suportang tinatanggap nito sa kaniyang mga nasasakupan.

Ang kaniyang asawa na si Sen. Allan Cayetano, full support din sa kaniya.

Kasama niya ito kanina, araw ng Lunes, Oktubre 7, 2024 para sa paghahain ng kandidatura.

Bago mag-alas dose ng tanghali, nakapaghain na ng Certificates of Candidacy (COC) si Mayor Lani kasama ang kaniyang running mate na si Vice Mayor Arvin Alit na isa ring reelectionist.

Ganun din ang mga tumatakbong pagka-konsehal sa ilalim ng kanilang ticket.

Ayon kay Mayor Lani, overwhelming ang natatanggap niyang suporta na naging dahilan para siya ay muling tumakbo sa pagka-mayor ng lungsod.

“Sa akin po hindi kagustuhan ng pulitiko, but the will of the people. You know in Taguig we conduct regular surveys, it’s to guide us kung anong mga programa ang ibinibigay natin sa public, and if you get an approval rating, of satisfaction rating na 91 percent, not me, if I still want kung ang pulso ng taumbayan ay hindi dapat isantabi na ‘yon, dapat kung anong will ng mga tao,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano, Reelectionist.

Kumpiyansa rin si Mayor Lani sa kaniyang track record para sa posisyon.

Kailan lang ay pinayagan na ng Commission on Elections (COMELEC) na makaboto ang mga residente ng 10 embo barangay ng kanilang mga district representative.

Welcome naman ito para sa Taguig LGU.

Pero sa posibilidad na maibalik pa sa Makati ang mga Embo Barangay, ito ang naging sagot diyan ni Mayor Lani.

“I don’t know if the Supreme Court will be opened to that idea considering,” dagdag ni Mayor Lani.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble