DISMAYADO ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Taguig hinggil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon ng Makati LGU.
Sa inilabas na pahayag ng pamahalaang-lungsod ng Taguig, nilabag ng Makati City ang kasunduan sa pagitan ng dalawang lokal na pamahalaan, kasama ang Department of Health (DOH).
Sa huling pahayag ng Makati City LGU, pinaninindigan na sila ang may-ari ng mga pasilidad pangkasulugan gayundin ang lupa na kinatitirikan ng mga ito.
Ayon sa pamahalaan lokal ng Taguig, paglabag ito sa napagkasunduan na hindi na muna babanggitin ang pagmamay-ari ng mga pasilidad at lupa habang isinasagawa ang “transition period sa naturang ospital.
Nilinaw rin ng Taguig na hindi tinanggihan ni Mayor Lani Cayetano ang anumang panukala ng Makati kundi ipinaubaya na nito kay Health Secretary Ted Herbosa ang anumang diskusyon ukol sa Ospital ng Makati.
Nangangamba ang Taguig na hindi layon ng Makati LGU na alisin ang mga hadlang para sa transisyon kundi magsilbing hadlang.
Naninindigan din ang Taguig na sa kabila ng mga ginagawang hakbang ng Makati, prayoridad pa rin ng Tagiug LGUs ang pagbibigay ng serbisyo sa “EMBO” barangays at ang pagkilos nang naaayon sa batas.