MAKAKASAMA na si Angela Mikaela Talosig mula sa Midsayap, North Cotabato sa national team na sasabak sa Southeast Asian Age Group Swimming Championships sa Jakarta, Indonesia.
Ito’y matapos makuha ni Talosig ang gold sa 400-meter freestyle event sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa.
Umaasa naman si Talosig na marami pang maiuuwing panalo sa Palarong Pambansa.
Pangarap din ni Talosig na maging elite swimmer ng bansa kaya nais nitong manalo sa mga palaro sa loob at labas ng Pilipinas
Makakasama naman ni Talosig sa SEA Age Championships si Peter Cyrus Dean ng CALABARZON na nanalo sa 100 meters backstroke sa secondary boys.
Isasagawa naman ang SEA Age Championships sa Jakarta ngayong Agosto 24-26.