Tandem nina Pastor Quiboloy at Rep. Marcoleta, “Puwersang Pupuksa sa Korapsyon sa Senado” – Political Analyst

Tandem nina Pastor Quiboloy at Rep. Marcoleta, “Puwersang Pupuksa sa Korapsyon sa Senado” – Political Analyst

PHILIPPINES | Abril 22, 2025 – Inihayag ng political analyst na si Ka Ado Paglinawan ang kanyang kumpiyansa sa posibilidad ng tandem nina Pastor Apollo C. Quiboloy at SAGIP Party-list Rep. Atty. Rodante Marcoleta na tumakbo para sa Senado, sa ilalim ng panawagang sugpuin ang korapsyon sa pamahalaan.

Ayon kay Paglinawan, kung sakaling maisakatuparan ang kanilang pagsasama sa Senado, maaaring maging matibay na puwersa laban sa katiwalian ang kanilang tambalan. Ipinunto niyang parehong kilala ang dalawa sa pagtindig laban sa mga maling sistema sa gobyerno.

Isa sa mga itinutulak umano ni Pastor Quiboloy ay ang pagsasabatas ng mas mabigat na parusa sa mga tiwaling opisyal — mula pinakamataas hanggang sa pinakamababang antas ng pamahalaan.

Aniya, ang paglilinis ng gobyerno ay sentro ng kanyang adbokasiya kung sakaling pormal siyang pumasok sa pulitika.

Bilang patunay sa kanyang pamumuno, binanggit din ang mga proyekto ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) tulad ng:

King Dome – ang malaking indoor arena ng KOJC

Prayer Mountain at Glory Mountain – kilalang luntiang paraiso at simbolo ng pamumunong walang bahid ng korapsyon

Samantala, si Rep. Marcoleta ay kilala rin sa pagiging vocal sa mga isyu ng good governance at pagiging matatag na mambabatas sa Kamara.

Bagamat wala pang kumpirmasyon sa kanilang opisyal na kandidatura, sinabing kapag nagsanib-puwersa ang dalawa, maaring maging game changer ito sa susunod na Senado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble