Taunang ASMAM pinaghahandaan ng PH Army

Taunang ASMAM pinaghahandaan ng PH Army

NAGTIPON ang mga delegado ng Philippine Army, kasama ang mga kinatawan mula sa iba pang mga bansa sa ASEAN.

Ito’y upang pag-usapan sa pamamagitan ng isang breakout session meeting ang paghahanda sa nalalapit na Army Sergeant Major Annual Meet (ASMAM).

Ang naturang pagpupulong ay ginanap sa Headquarters Training and Doctrine Command sa Capas, Tarlac.

Ang Army Sergeant Major Annual Meet (ASMAM) ay isang mahalagang pagtitipon ng mga Army Sergeant Major mula sa ASEAN countries.

Layunin ng taunang aktibidad na palakasin ang samahan, magbahagi ng kaalaman at kasanayan, at magtayo ng kooperasyon sa mga bansa mula sa Asya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble